Dizon Nagpasalamat si NCRPO Chief PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kay MPD Chief PBGen. Andre P. Dizon sa pagkakatimbog sa ilang suspek sa krimen sa Maynila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Suspek sa murder nakorner

September 5, 2023 Jonjon Reyes 437 views

ISANG 29-anyos na wanted dahil sa murder ang na-timbog ng pulis sa Barangay Bigaa, Sta. Rosa Laguna, Linggo ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas ‘Marvin,’ 29, ng Caingin St., Sta. Rosa, Laguna.

Apat na lalaki naman ang naaresto sa iba’t-ibang mga kaso, kasama na ang paglabag sa Republic Act 7610 (Anti- Child Abuse law), pagnanakaw at extortion.

Dahil dito, nagpasalamat si National Capital Region Police Office chief General Jose Melencio Nartatez sa mga pulis na umaresto sa mga suspek sa krimen.

“With this, I am warning all the other wanted personalities that NCRPO will continue to arrest wanted persons wherever they hide,” pahayag ng heneral.

AUTHOR PROFILE