Samonte Kinakausap ni P/Maj. Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division ng MPD SMaRT ang naarestong suspek na hindi sumisipot sa kanyang kasong ilegal na droga sa loob ng 30 taon. Kuha ni Jon-jon Reyes

Suspek sa droga timbog sa MPD SMaRT

October 12, 2022 Jonjon Reyes 359 views

BINITBIT ng mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT) ng Manila Police District (MPD) ang isang 48-anyos na lalaki dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga, makaraang isilbi ang arrest warrant laban dito sa Quiapo, Maynila, Martes ng hapon.

Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division ng MPD SMaRT, bandang 2:40 ng hapon, nang arestuhin ang suspek sa panulukan ng Lepanto at Progreso Streets sa Quiapo.

Pinangunahan ni P/Maj. Emmark Dave Apostol, P/Lt. Edgar Julian at ilang tauhan nito sa utos na rin ni Samonte.

Ang suspek sa ilegal na droga ay nasa 30 taon na umanong hindi sumisipot sa korte kaya napilitang ipaaresto ito ni Judge Felixberto Olalia Jr. ng Regional Trial Court Branch 07 ng Maynila dahil sa kasong paglabag sa Section 16 Article lll ng Republic Act 6425 na may piyansang P60,000 sa pansamantala nitong paglaya.

Pursigido naman si Samonte na ipatupad ang “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation” (SACLEO) sa direktiba na rin ni MPD Director Andre P. Dizon at ang ipinatutupad na “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (S.A.F.E.) ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Jonnel Estomo.

AUTHOR PROFILE