Default Thumbnail

Suspect sa kasong patong-patong arestado ng bangka ay dumaong

May 3, 2021 Edd Reyes 399 views

NASUKOL ng mga tauhan ng Northern Maritime Police Station (MARPSTA) ang lalaking sangkot sa patong-patong na kasong kriminal nang dumaong ang sinasakyan niyang bangkang pangisda Linggo ng umaga sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas city.

Hindi na nakapalag si Dominador Galido, 50, mangingisda at residente ng Liminangcong, Taytay, Palawan matapos siyang dakpin ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Glen Provido, commander ng Special Operation Unit (SOU) ng MARPSTA sa loob ng F/V Marlyd DLS 77 na nakadaong sa Pier 2 ng NFPC dakong alas-7:30 ng umaga.

Ayon kay P/Maj. Randy Ludovice, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagbabalik ni Galido sa Navotas City, sakay ng bangkang pangisda matapos magtago sa batas nang malamang naglabas na ng warrant of arrest laban sa kanya ang korte kaugnay sa mga kinakaharap na kasong robbery extortio, usurpation of authority at qualified piracy.

Sa pangunguna ni P/ Lt, Erwin Garcia at anim na iba pa, inakyat nila ang nakadaong na F/V Marlyd DLS 77 at isinilbi ang warrant of arrest na inilabas nito lamang Pebrero 24 2021 ni Navotas Regional Trial (RTC) Judge Pedro T. Dabu, Jr. ng Branch 286.

Hihintayin na lamang nina Maj Ludovice ang commitment order na ilalabas ng hukuman na magdedetermina kung saan dapat ipiit si Garido habang hinihintay ang pagtatakda ng paglilitis laban sa kanya.

AUTHOR PROFILE