Sue Ramirez

Sue may lovelife kahit busy

October 15, 2022 Aster Amoyo 447 views

SIMULA kahapon, October 14 ay nagsimula nang mapanood on VIU ang original TV series na “K-Love” kung saan tampok na mga bituin sina Iza Calzado, Isabelle Daza, Jake Cuenca at Sue Ramirez.

Sina Jake at Sue ay muling magkasama sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Iron Heart” kung saan din tampok na mga bituin sina Maja Salvador at Richard Gutierrez.

Remarkable din ang naging performance ni Sue sa hit local adaptation ng BBC Series na “Doctor Foster,” ang “The Broken Marriage Vow” kung saan kasama niya sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Zaijian Jaranilla.

Speaking of Sue, hindi nito ikinakaila that she’s carrying an LDR (long distance relationship) with her actor-turned politician boyfriend na si Javi Benitez na siyang bagong halal na mayor ng Victorias City in Negros Occidental. Pero sa kabila nito ay nagagawan pa rin nila ng chance ng magkita every once in a while o kung hindi man sa pamamagitan ng video calls.

Sa Negros naka-base ngayon si Javi habang nasa Maynila naman si Sue kung saan malapit ang kanyang trabaho bilang actress.

Si Mayor Javi ay anak ng kilalang businessman at dating politician na si Albee Benitez.

Arjo

Arjo, Sylvia patungong Cannes

SA kabila ng pagiging busy ngayon ng actor-turned politician na si Arjo Atayde bilang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City, hindi pa rin nito tinatalikuaran ang kanyang pagiging isang mahusay na actor (sa kanyang henerasyon).

Ang actor-politician ay nakatakdang lumipad patungong Cannes, France para dumalo sa MIPCON Cannes, ang pinakamalaking content market sa buong (for television) sa buong mundo kasama ang writer-director at head ng ABS-CBN International Production Division na si Ruel Bayani. Makakasama rin ni Arjo ang kanyang inang actress na si Sylvia Sanchez.

Bitbit ni Ruel at ni Arjo ang ABS-CBN International production ng “Cattleya Killer” kung saan si Arjo ang pangunahing bituin kasama sina Jake Cuenca, Christopher de Leon at Zsa Zsa Padilla mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

Ipapakita sa MIPCON ang pilot episode ng 6-part siere ng “Cattleya Killer”,

Ang MIPCON Cannes ay annual and biggest gathering ng mga taga TV industries and studios mula sa 100 bansa where they can present, compete and participate.

Kung matatandaan pa, ang international production na “Yellow Rose” ni Direk Diane Paragas ay binili ng Sony Pictures at kauna-unahang Filipino film to have a wide theatrical release.

Ang iba pang international materials ng ABS-CBN ay ang “Concepcion,” isang family crime drama at ang “Sellblock,” isang New Bilibid Prison-net drama .

Ang pagpa-participate ng ABS-CBN International Production sa MIPCON ay simula na naman ng pag-alagwa ng Kapamilya sa international market although matagal nang napapanood ang iba’t ibang TV series nila sa iba’t ibang bansa.

Sa MIPCON, kaya nang makipagsabayan ang mga Filipino-made TV series sa iba’t ibang bansa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE