Kulong

Statutory rape suspek nasilo

January 26, 2024 Gil Aman 100 views

TIKLO ang suspek sa statutory rape sa pinagsanib na operatiba ng San Pablo City police, Regional Intelligence Unit at Provincial Intelligence Team sa Brgy. Santisimo Rosario, San Pablo City, Laguna noong Huwebes.

Kabilang sa mga pinaghahanap na suspek sa mabigat na krimen ang akusado na si Alyas Mario, ayon kay PLt. Col. Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo City police.

Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Myla Villavicencio Olan, presiding judge ng Family Court branch 7 San Pablo City, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Dakong alas-7:15 ng gabi ng arestuhin ang suspek na nakakulong na ngayon sa San Pablo City Jail.

AUTHOR PROFILE