Kulong

Rape suspek huli sa Alitagtag

January 26, 2024 Jojo C. Magsombol 131 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Himas-rehas ngayon ang suspek sa panghahalay matapos maaresto noong Lunes ng mga pulis sa Alitagtag, Batangas.

Obrero, 20-anyos at tubong Leyte at kasalukuyang naninirahan sa Alitagtag, Batangas ang suspek na natimbog, ayon kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.

Inaresto bandang alas-7:00 ng gabi ng mga tauhan ng Alitagtag Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest para sa counts ng statutory rape.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek dahil menor de edad ang biktima at nangyari ang panghahalay noong Agosto 1, 2023 sa kanilang bahay sa Las Piñas City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alitagtag police ang akusado.

“I commended my policemen for the immediate arrest of the accused. Ito ay parte ng ating mas pinalakas na operasyon laban sa kriminalidad,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE