Snatcher timbog sa 2 pulis

November 16, 2021 Francis Naguit 125 views

UMAATIKABONG habulan bago naabutan ng dalawang nagrespondeng tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 35-anyos na miyembro ng Bahala Na Gang ( BNG), makaraang hablutin nito ang mobile phone ng isang 23-anyos na dalaga habang sakayang biktima ng pampasaherong jeep sa Sampaloc, Manila Martes ng umaga.

Dahil dito, kasong robbery-snatching ang asunto ng suspek na nakilalang si Ariel Guzman, tambay ng 301 Int.21 Aguado St., San Miguel, Manila.

Kahit na nabawi ang hinablot na mobile phone, desidido pa rin na magsampa ng reklamo si Princess ng tubong Calicanto Batangas City at redidente ng Concepcion Aguila, Quiapo.

Batay sa ulat ni P/ Ssg. Mark Anthony Taay ng MPD Sampaloc Police Station 4 , bandang 8:50 a.m. nang matimbog ang suspek sa panulukan ng M.Dela Fuente at G.Tuazon Sts. sa Sampaloc.

Salaysay ng dalagita, lulan ito ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng G Tuazon St., nang hablutin ang asul na Vivo Y 11 nito ng suspek.

Tiyempo naman naroroon si Taay at ang isa pa nitong kasamahan, nang mamataan ang komosyon sa jeep.

Dito na nagkaroon ng umaatikabong habulan hanggang makorner ang suspek.

Nabawi naman ang hinablot na mobile phone ng dalaga. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE