Albert

Sikreto nina Albert at Sharon nabuking ni Gabby

October 13, 2023 Aster Amoyo 290 views

NAALIW ang dumalong entertainment media and vloggers sa chairperson ng “Gabay Guro” na si Chaye Cabal-Revilla (Bautista)sa ginawa nitong pagbibiro at pambubuking kay Albert Martinez na siya ang unang boyfriend ng megastar na si Sharon Cuneta habang katabi lamang nito ang kanyang kapwa-Regal matinee idol noon na si Gabby Concepcion na ex-husband ni Sharon.

“Nagkamali yata ako ng event na dinaluhan,” natatawang tugon ni Albert habang nakangiti sa isang tabi ang kanyang anak na si Alfonso Martinez, his only son sa tatlong anak sa kanyang late wife na si Liezl Sumilang-Martinez.

“Bati na kami,” sakay naman ni Gabby referring to his ex-wife na si Sharon na makakasama niya sa kanyang rare concert at the SM MOA Arena ngayong October 27 at sa Grand Ballroom ng Okada Manila on October 30 na pinamagatang “Dear Heart” na hango sa kanilang first movie together in 1981 kung saan nagsimula ang kanilang love affair na nauwi sa kanilangpagpapakasal three years later saisangengrandengkasalansa Manila Cathedral in 1984. Unknown to many, si Albert dapat ang original choice para makatambalni Sharon sa “Dear Heart” pero hindi siya pinayagan ni Mother Lity Monteverde ng Regal Entertainment. Sa halip ay binigyan siya (Albert) ng ibang movie project, ang “Bata Pa Si Sabel” na pinagtambalan nila ng isa pang Regal Baby na si Snooky Serna.

Naging simula rin ng pag-iibigan nina Snooky at Albert ang pagtatambal sa naturang pelikula. But as fate would have it, hindi sina Snooky at Albert ang nagkatuluyan. Napangasawa ni Snooky ang ex-husband na ngayon na si Ricardo Cepeda with whom she has two grown-up daughters na sina Sam at Sachi.

Samantala, sina Gabby at Albert ay pareho pa ring aktibo sa kanilang respective showbiz careers.

Sa pambihirangpagkakataon, magkasama sina Gabby at Albert sa media conference pa sa 16th anniversary ng Gabay Guro, isang flagship education program ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), Metro Pacific Investments Foundation (MPIF) and PLDT-Smart Foundation (PSF) in partnership with the PLDT Managers’ Club, Inc.

This year’s Gabay Guro Grand Gathering theme ay “Pagpupugay at Pasasalamat kay Ma’am at Sir” ay gaganapin sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngayong araw ng Sabado, October 14. Isa itong hybrid event dahil 250-pre selected teachers nationwide ang makakadalo sa live event. Matutunghayan naman ito sa pamamagitan ng live streaming at dadaluhan ng malalaking personalidad mula entertainment sector liban pa sa naglalakihang raffle prizes na ang grand prize ay isang brand new Cherry Tiggo 2 Pro car, P500,000 in cash prizes and in kind tulad ng Devant TV, Penshoppe and Lyf Hotel Gift Certificates, Potencee Vitamins from Pascual Laboratories, Conzace and Forti-D from Unilab at mga packages mula sa 555 Tuna, Relumins, Katinko Oil & Ointment, Aromagicare Magical Aroma, SGV Foundation, Health Care Mega app – mWell, Smart and PLDT Home.

Ang Gabay Guro Grand Gathering ay taunang pagpupugay at pagpapasalamat sa ating mga hard-working teachers na kinu-consider nating unsung heroes and second parents ng atingmgaanak.

Hindi man makadadalo this Saturday evening sina Gabby at Albert sa “Pagpupugay at Pasasalamat Kay Ma’am at Sir,” ng Gabay Guro sa Dolphy Theater ng ABS-CBN dahil sa kanilang previous commitments, nakasuporta sila rito whenever their schedule permits.

20 exceptional artists ipinakilala

ISANG bonggang launching ng 20 exceptional artists ng Merlion Entertainment ang ipinakilalasa entertainment media, vloggers and advertisers nung nakaraang Huwebes ng gabi, October 12 sa Podium Hall in Ortigas Center, Pasig City.

Ang 20 new artists ng Merlion Entertainment ay pinangunahan ni Carren Eistrup, ang “Bida Next” winner na isa na ngayong bahagi ng noontime program ng TVJ sa TV5, ang “E.A.T.”, ang Bb. Pilipinas International 2022 na si Nicole Borromeo, ang singer-songwriter na si Tera, ang “Sing E.A.T” finalist na si Luna at ang dynamic five-member girl group na Calista na binubuo nina Olive, Anne, Elle, Dain at Denise nakilala sa kanilang hit songs na “Race Car” at “Don’t Have Time”.

Ang iba pang artists na ipinakilala ay sina Luna, Caitlyn Stave, Nicole de Guzman, Monique Vasquez, Kayelah Gomez, Chef Miguel David, Jimsen Jison, Jean Drilon, Dana Alexa, Angelgrace America, Laiza Comia at Jessica Dungo.

Ang Merlion Entertainment na pinamumunuan ng CEO na si Gener Dungo ay binuo ng taong 2018. Ang first major event ng kumpaya ay ang Miss Teen Philippines (MTP) nung 2019 na ginanapsa New Frontier Theater in Quezon City. Ang isa pa nilangproyekto ay ang TV sitcom na “Tols” natinampukanninaBetong Sumaya, Rufa Mae Quinto at si Olive ng Calista Girl Group.

Nagkaroon din sila ng sold-out concert na “Vaxx to Normal” which was dedicated sa ipinakitang sakripisyo ng mga frontliner during the Covid-19 Pandemic. Ito’y tinampukan ng Calista, Yeng Constantino, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Andrea Brillantes, Darren at Ken San Jose.

Ang Merlion Entertainment ay isang world-class artist management, events and production company.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo, Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE