Sharon Sharon Cuneta

Sharon nag-aalala sa kalusugan

February 2, 2024 Aster Amoyo 136 views

SA kanyang Instagram post, humingi ng dasal ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kaniyang fans at followers kaugnay sa ilang health issue na kaniyang kinakaharap.

Ayon kay Shawie, mayroon siyang ubo na hindi nawawala, at sumailalim din siya sa MRI scan kaugnay ng kaniyang mga dating injuries sa tuhod at lower back. Nalaman din ni Sharon na mayroon siyang scoliosis, nang sumailalim siya sa x-ray.

“I need to know why now my pinched nerve has ‘travelled’ to the right side of my body and/or if I have any new injuries and such. I’ve been limping since our trip to Seoul from January 2-10 for my birthday and it’s just gotten worse so am scared,” sey pa niya.

Nagpapasalamat si Sharon sa kaniyang fans dahil sa mga mensahe na kaniyang natatanggap habang nagpapahinga siya.

“I pray that the MRI results won’t be too scary. And that this virus I caught anuman siya goes away na. I miss and love you all,” ayon sa aktres.

Kamakailan lang, ibinahagi si Shawie ang posibleng proyekto na gagawin niya sa Amerika

Babae ang magiging anak nina Maja at Rambo

Maja
Maja Salvador and Rambo Nunez

NAI-SHARE nina Maja Salvador at Rambo Nuรฑez ang gender ng kanilang paparating na anak.

Sa Instagram, nag-post si Rambo ng highlights sa ginanap nilang gender reveal party na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak at celebrity friends.

Parehong puti ang kasuotan ng mag-asawa, na labis ang tuwa nang makitang bumuhos ang pink na confetti sa venue na indikasyon na babae ang kanilang magiging anak.

Nitong nakaraang Disyembre nang ianunsyo nina Maja at Rambo ang magkakaroon na sila ng anak.

Ikinasal ang dalawa sa Bali, Indonesia noong nakaraang Agosto, at isinagawa sa Cairo, Egypt ang kanilang prenup shoot.

Naunang ibinahagi ni Maja na 21-anyos siya nang una niyang maging nobyo si Rambo pero naghiwalay sila para tutukan ang kani-kanilang prayoridad sa buhay.

Taong 2019 nang muli silang magkabalikan.

Shaina nagkaroon ng panahon sa sarili dahil sa sakit

Shaina
Shaina Magdayao

NAGPAPAHINGA ang aktres na si Shaina Magdayao matapos nitong ibahagi sa isang Instagram post noong Martes, January 30 na tinamaan siya ng nakakahawang COVID-19.

Samantala, ipinasilip ni Shaina ang pinagkakaabalahan niya habang naka-isolate.

Post niya sa Instagram: โ€œClarity. Distance. Some time to yourself. This is the kind of peace we all need sometimes. The kind that will give you the courage to clear your heart. Your mind. Your soul.

Trust YOUR process. With isolation, everything you feel will sort itself out. I promise. -r.m drakeโ€

Pagpapatuloy ng Kapamilya talent, โ€œBeautiful words I kept on reading and reminding my frustrated sick self during more than a week of isolation and testing positive Nevertheless, thank you, COVID, for the rest (lots of tv time too) and pause I did not ask for โ€ฆ..but apparently needed.โ€

Samantala, nagkomento ang ilang celebrities sa post na ito ni Shaina at dasal nila ang agarang paggaling niya tulad nina It’s Showtime host Jhong Hilario at Alyana Asistio.

Napanood noong nakaraang taon si Shaina sa noontime show na It’s Your Lucky Day na ipinalabas sa GTV.

Base sa huling datos ng World Health Organization (WHO) noong January 7, 2024, nakapagtala ito ng mahigit 774 million cases ng COVID-19 worldwide at over 7 million naman ang namatay.

AUTHOR PROFILE