Kathryn

Kathryn nananatiling Kapamilya

February 2, 2024 Vinia Vivar 107 views

Tulad ni Daniel Padilla, nananatiling Kapamilya si Kathryn Bernardo. Nag-renew ng kanyang kontrata ang aktres sa network ngayong Feb. 2.

Inanunsyo ito ng Star Magic Philippines sa Instagram.

Naglabas ng art card ang naturang talent management ni Kathryn na naglalaman ng larawan ng aktres at nakasaad na “Forever Kapamilya.”

Sa ibaba ay makikita ang date and time na “02 Feb, 2024/2pm.”

Nakasaad naman sa caption ang iba pang detalye.

“A very special milestone is afoot our “Asia’s Superstar” and “Outstanding Asian Star,” Kathryn Bernardo! 👸🏻

“This FEBRUARY 2, witness Kathryn flip the page to new stellar adventures as a Kapamilya in her ✨FOREVER KAPAMILYA✨contract signing!✍🏻,” pahayag ng Star Magic Phil.

Nauna rito ay kinumpirma rin ng naturang talent management arm ng ABS-CBN na magre-renew ng kontrata ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel next month.

Masayang-masaya naman ang KathNiel fans na magkasama pa rin ang dalawa sa iisang network at hindi totoo ang mga balitang aalis na sila sa ABS-CBN.

Umaasa rin ang kanilang supporters na magkakaroon pa rin ng projects na magkasama ang kanilang mga idolo.

AUTHOR PROFILE