Toni

Toni ikinakahiya si Alex

February 2, 2024 Vinia Vivar 94 views

Inamin ni Toni Gonzaga na nahihiya siya sa mga pinaggagagawa sa social media ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Isa kasi ito sa napag-usapan nila ng content creator/vlogger na si Viy Cortez sa latest vlog nito.

Nag-guest si Toni sa vlog ni Viy kung saan ay sumalang ang TV host/actress sa lie detector test.

Isa sa mga naging tanong sa kanya ay: “Nahihiya ka ba minsan sa mga ginagawa ng iyong kapatid?”

Ang bilis ng sagot ni Toni.

“Lagi! Walang araw na hindi!” aniya na medyo pasigaw pa.

Dagdag pa ni Toni, “Walang araw na ginawa ng Diyos na hindi ko kinahiya!”

Tawa naman nang tawa si Viy ay napa-‘Oh my God!’ pa.

Hirit pa ni Toni, “Bakit ko naman ikatutuwa ang mga pinaggagagawa niya?”

Ang resulta ng lie detector test ay “truth.”

Sambit pa ulit ni Toni, “Kahiya-hiya!”

Hahaha! Laugh trip!

Anyway, maging ang mga netizen ay natuwa na, for a change, makita nilang si Toni naman ang ini-interview at hindi siya ang interviewer.

AUTHOR PROFILE