Sharon

Sharon at KC balik na ang masayang relasyon bilang mag-ina

February 2, 2024 Vinia Vivar 110 views

Tila balik na nga ang dating masayang relasyon ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion dahil sumasagot na ang dalaga sa mga post ng kanyang mommy.

Sa huling post ng ani Shawie ay sumagot si KC at nagbiro pa.

Sey kasi ni Megastar, fave niya ang matulog dahil kapag nananaginip siya ng magagandang bagay ay nagigising siyang masaya at minsan, wini-wish niya na hindi pa siya gumising.

“I don’t think it’s weird to say my favorite thing has always been sleep. Sweet, glorious sleep that lets you escape. Sometimes, it even lets you dream veeeery nice dreams and you wake up happy but also wishing you didn’t have to wake up!” ani Sharon.

Sinagot naman ito ni KC ng “Mom WAKE UP” with matching emojis.

Samantala, matapos ang mahigit isang buwang bakasyon sa US, naririto na sa Pilipinas si KC base na rin sa huling post niya na “off to MNL” kasama ang mga larawan niyang nasa eroplano siya.

AUTHOR PROFILE