Cristine

Cristine, isang taon nang annulled kay Ali

February 2, 2024 Vinia Vivar 129 views

Inamin ni Cristine Reyes na matagal nang annulled ang marriage nila ni Ali Khatibi, ama ng anak niyang si Amarah.

Sinabi ito ng aktres sa panayam ni Boy Abunda kasama ang boyfriend ng aktres na si Marco Gumabao last Thursday.

Natanong kasi ni Kuya Boy sa dalawa kung napag-uusapan na ba nila ang kasal.

Mabilis na sagot ni Marco, “Of course.”

He added, “I mean, basta ang usapan namin is ’yung future together. Pero ’yong details or kung ano, of course, konti-konti. Pero ’yung mas longer ano, yeah. ‘Yun ang napag-uusapan namin. The long view, yes.”

Kasunod nga nito ay tinanong ni Kuya Boy si Cristine kung annulled na ito.

“Matagal na,Tito Boy, more than a year. Kasi, Tito Boy, hindi ko naman s’ya in-announce, eh. It’s not something I should celebrate,” sagot ni Cristine.

Sa naturang panayam ay nabanggit nga ni Marco na nagkakilala na ang mommies nila at sobrang click ang dalawa.

“Very close siya sa family ko and at the same time, we also hang out with her family,” sabi ni Marco.

“One time, we brought her mom sa church so that was a very memorable experience for us.

“Kumbaga, the first time na nag-meet ang mom ko and mom niya, tuwang-tuwa kami kasi it was in a church setting and after that, we had lunch, ta’s sobrang click ‘yung mom ko at ‘yung mom niya.

“So, nag-uusap sila, parang they had their own bubble, they had their own world. So, tuwang-tuwa kami just watching them. Tapos ‘yun, parang it’s a very touching sight to see,” tsika ni Marco.

AUTHOR PROFILE