Sharon

Sharon, balik-malling sa Amerika

May 20, 2021 People's Tonight 248 views

MATAPOS ibalita sa kanyang Instagram followers na tapos na siyang makapagpabakuna, kahapon naman ay balik-malling na si Sharon Cuneta habang nasa Amerika.

Sa nasabing IG post, nakasuot pa ng face mask at black jacket na may “I feel like Pablo” ang Megastar sabay lagay ng caption na, “I do feel like Pablo. Not Kanye, but Pablo Cuneta. Oh Daddy… I miss you so much. Wish you were here to punch some people in the face for me!

Hahaha!”

Hindi nakaligtas sa netizens ang suot niyang apat na singsing kaya paliwanag ni Sharon, “those are my other ‘wedding rings for two different wedding anniversaries.’”

Ang ikatlo’t ikaapat na mga singsing, sabi pa ni Sharon, ay ang wedding ring ni dating Mayor Pablo at ang “power ring” o birthstone niyang garnet na lagi niyang suot.

Sa kasunod na post, sinabi ni Sharon na sa kalapit na mall ng dati niyang bahay sila nag-ikot ng mga kaibigan.

“Happy to be here again though,” dagdag pa niya, “First time at a mall since March 2020!!!”

AUTHOR PROFILE