Luis Manzano

Luis papasok na rin sa pulitika

May 20, 2021 Aster Amoyo 309 views

BAGO ang 2016 elections ay umugong ang balita na tatakbo umano sa pagka-mayor ng Lipa City ang panganay na anak ng estranged couple na sina Vilma Santos at Edu Manzano na si Luis Santos Manzano pero natapos ang halalan nung 2016 ay hindi ito tumakbo.

Come October 2021 ay registration na ng mga kakandidato para sa May 2022.

Bukas si Luis sa posibilidad na pasukin ang larangan ng pulitika and this might happen sa darating na halalan.

Wala nang dapat patunayan pa si Luis sa showbiz where he carved a name on his own hindi lamang bilang actor at celebrity endorser kundi sa pagiging isang mahusay na TV host. Idagdag pa riyan ang kanyang pagiging isang successful businessman.

After his long journey as a bachelor, Luis married his girlfriend of four years na si Jessy Mendiola nung nakaraang February 21, 2021, isang desisyon na ikinatuwa ng kanyang parents na sina Rep. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano. The ex-couple have been wanting to see their son settled and raise his own family.

Hindi naman bago sa kanya ang pulitika dahil ang kanyang ina, ang Star for All Seasons-turned politician na si Vi ay 24 na taon na sa mundong ito – una bilang mayor ng Lipa City sa loob ng tatlong termino o siyam na taon at 9 years din siyang nanilbihang governor ng Batangas bago ang kanyang pagiging second termer bilang kinatawan ng lone district ng Lipa, Batangas. Naging vice-mayor din ng Makati City ang kanyang amang si Edu Manzano sa loob ng tatlong taon na tumakbo rin sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan including vice-presidency, pagiging senador at pagiging congressman ng San Juan. Ang kanyang step-dad na si Sen. Ralph Recto ay isa ring seasoned politician.

Kung saka-sakaling papasukin ni Luis ang mundo ng pulitika, kailangan handa siya sa mga sacrifices kasama na rito ang kanyang showbiz career tulad ng ginawa ng kanyang ina.

Kung ang fans ni Luis ang tatanungin, mas gusto nila itong manatili sa showbiz laluna sa kanyang hosting jobs sa TV dahil mas marami siyang napapasaya pero ang final decision ay magmumula mismo kay Luis who will definitely weigh his options. At kung anuman ang magiging final decision ni Luis ay naka-suporta pa rin sa kanya ang kanyang pamilya including his wife na si Jessy.

Baby boy ang dinadala ngayon ni Neri

Neri NaigANOTHER baby boy ang ipinagbubuntis ngayon ng actress-entrepreneur na si Neri Naig, ang magiging second baby nila ng kanyang mister, ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Nagkaroon ng gender reveal ng magiging second child ang mag-asawang Neri at Chito kamakailan kung saan kasama ang kanilang more than four-year-old son na si Miggy (Alfonso Miranda III).

May nakahanda na silang pangalan sa baby na tatawagin nilang Cash.

Ang mag-asawang Neri at Chito ay ikinasal nung December 13, 2014. Nagka-miscarriage naman si Neri nung August 2015 sa magiging first baby sana nilang mag-asawa.

Jao ‘di iniwan ng misis kahit nagkasala

KAHIT hindi naging talent manager ng actor-painter na si Jao Mapa ang namayapang writer-producer at talent manager na si Douglas Quijano, hinding-hindi niya makakalimutan na ito ang naging tulay niya sa kanyang pagpasok sa showbiz in 1993.

Ang original talent manager ni Jao ay ang yumaong PR practitioner at talent manager na si Vera Isberto.

Sa isang Bench pictorial nakita ni Douglas si Jao at kasunod na rito ang pagpasok sa kanya sa cast ng dating top-rating sitcom ng ABS-CBN, ang “Palibhasa Lalake” na pinagbidahan nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Gloria Romero at iba pa at naging pang-apat na miyembro siya ng Guwapings na kinabibilangan nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso. Liban kay Eric, nakasama si Jao sa pelikulang “Pare Ko” in 1995 na sinulat at dinirek ni Joey Javier Reyes. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang pagsipa ng karera ni Jao. But in the year 2000 while he was at the peak of his career ay huminto si Jao para harapin ang pag-aaral sa University of Sto. Tomes kung saan siya nagtapos ng Fine Arts major in Advertising in 2003. Pero bago siya nakapagtapos sa kanyang pag-aaral ay pinakasalan niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Cecile Garcia-Mapa nung December 20, 2002. Ang mag-asawa ay may tatlo nang anak – sina Benjamin (18), Caleb (15) at Stacey (14).

Si Jao ay nagbalik-showbiz in 2003 pero hindi na nito nakuha ang kaparehong papularidad he had.

Since ang TV and movie assignments na natatanggap ni Jao were far in between, binalingan niya ang photography, creative work at pagpipinta which he started doing since he was young. Pero hindi nito ikinakaila na hinahanap-hanap pa rin umano ng kanyang katawan ang larangan ng pag-arte.

During the lockdown, nag-focus si Jao sa kanyang pagpipinta. Ito umano ang nakatulong para maka-survive siya at ang kanyang pamilya dahil wala umano siyang showbiz work. He was able to sell his paintings through online at karamihan ng kanyang mga client ay mga kababayan natin sa iba’t ibang bansa laluna sa Amerika.

Kapag meron siyang TV or movie assignment, sandaling isinasantabi ni Jao ang pagpipinta na agad niyang binabalikan on his free days.

Inamin din sa amin ng actor-painter na dumating umano siya sa point na naging unfaithful siya sa kanyang wife pero ito’y kanyang pinagsisihan at huminto na siya sa pambababae . Nagpapasalamat din siya na hindi umano siya iniwan ng kanyang misis.

Sa ngayon ay magkatuwang ang mag-asawang Jao at Cecile sa pagpapalaki sa kanilang tatlong teen-age children laluna’t meron na silang incoming college student sa school opening, ang kanilang panganay na si Ben.

Si Jao ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva at first project niya sa kumpanya ang isang TV series for TV5, ang TV adaptation ng pelikulang “Puto” na pinagbidahan ni Herbert Bautista. He is soon to star in a new movie project under Viva Films na pagtatambalan nila ng “Adan” star na si Rhen Escano.

Reunion movie nina Claudine at Mark Anthony may titulo na

Mark Anthony“THE Comeback Queen” ang working title ng comeback movie project ng actress na si Claudine Barretto at reunion movie nila ng actor na si Mark Anthony Fernandez kung saan din kasama sa cast sina Alfred Vargas, Kara Madrid at iba pa. Ito’y pamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan at joint production ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio along with his business partners na sina Louie Gamboa at Richard Chuateco.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE