Janno Gibbs

Lyka Gems, tf ng bunso ni Janno sa ‘Pangmalakasan’

May 20, 2021 People's Tonight 171 views

BALIK-RECORDING si Janno Gibbs sa Viva Records after 15 years via his new single, Pangmalakasan, na siya mismo ang nagsulat at nag-co-produce kasama si Civ Fontanilla.

Sa virtual launch kamakailan, inamin ni Janno na nagkaroon siya ng writer’s block kaya medyo natagalan bago siya nakapag-compose ng sariling kanta.

Ayon sa singer-comedian-TV host, “Marami akong inumpisahan na song na ’di ko talaga matapos, okay? I don’t know if I am getting too critical of my work, parang ’pag nasisimulan ko tapos parang ’di masyadong maganda, tapos iiwan ko na, ganu’n. So I think I got my groove back, ’yon. Aside from this, simultaneously I’m working on two more songs.

“After this, ballad naman, kasi everybody’s requesting for a ballad, ’no?”

Habol nga raw niya sa Pangmalakasan ang medyo funky na tunog — isang bagay na type niyang ibalik sa music scene.

Nakatulong ni Janno sa bagong single ang bunsong anak nila ni Bing Loyzaga na siya umanong gumawa ng artwork para sa Pangmalakasan.

Nang tanungin kung binayaran ba niya ito ng talent fee, ang pabirong sagot ni Janno, binigyan niya ang bunsong anak ng Lyka gems.

Bukod sa bagong single, aariba muli ang showbiz career ni Janno sa dalawang pelikula ng Viva na natapos na niyang i-shoot nu’ng nakaraang taon.

Ito ay ang Pinoy adaptation ng Korean action tnriller na A Hard Day na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes at ang solo movie ni Janno na Mang Jose, kung saan makakatambal niya ang misis na si Bing at ang ex-GF na si Manilyn Reyes.

Kwento ni Janno, based ang Mang Jose sa hit song ng Parokya ni Edgar na may parehong titulo.

Very soon din ay mapapanood na ang official music video ng Pangmalakasan na ngayo’y available na for streaming worldwide sa Spotify, YouTube, Apple Music at iba pang streaming platforms. IFF

AUTHOR PROFILE