Shaira

Shaira taga-hawak ng pera ni EA

May 18, 2024 Vinia Vivar 113 views

Pinaghahandaan na talaga ng engaged couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz ang kanilang kasal sa 2026.

Napag-usapan na nga rin umano nila kung sino ang hahawak ng pera kapag kasal na sila.

“Yes. Actually alam nga namin ang savings ng bawat isa. Parang ginagawa namin siyang inside joke sa amin na ‘O, ayan na naman, ang laki ng papasok sa ‘yo. Maglibre ka naman!’” tsika ni Shaira sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday.

At tulad nga kulturang Pinoy, napag-usapan nila na ang babae ang hahawak ng kanilang pera.

“Pagdating sa future, kapag ikinasal na kami, very open naman din kami, at si Edgar din po, sinasabi niya na ‘Kapag kasal na tayo, ikaw na ang hahawak ng pera natin,’ ” sey ng aktres.

Muling natanong si Shaira sa rule niyang ‘no sex before marriage’ at hanggang ngayon ay napapangatawanan pa rin naman daw nila ito.

“Ako, gusto ko talaga dahil naniniwala ako, ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, ‘yung mga binigay nila sa aking advice. And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage,” she said.

Pero paglilinaw niya, “Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga, choice ko talaga na gusto ko na i-save ‘yon sa pagkakasal namin.”

AUTHOR PROFILE