Annabelle

Annabelle boto kay Bistek para kay Ruffa

June 26, 2024 Vinia Vivar 466 views

Matapos kumpirmahin ni Ruffa Gutierrez ang relasyon nila ni Herbert Bautista sa vlog ni Karen Davila, ayaw nang magsalita pa ulit ng aktres tungkol dito.

Aniya sa panayam ng ABS-CBN, mas okay na low-key lang sila at naniniwala siyang ito rin ang dahilan kung bakit nagtatagal ang kanilang relasyon.

“For me, at my age, I’m turning 50 this year, I’d rather keep things quiet and I want to focus on my personal life. And I believe that relationship lasts, it’s because it’s private,” sey ni Ruffa.

“I don’t really want to talk about it so it’s better that we keep quiet, I don’t want to also hide it ‘coz it’s been a long time,” dagdag niya.

Kaya maging ang ina niyang si Annabelle Rama ay nagulat daw sa kanyang relationship reveal.

“Everything’s good. I am enjoying my privacy. Even my mom was like ‘bakit ka nag-a-announce, magpapakasal ka na ba?’” kwento ng aktres.

Kilala natin si Tita Annabelle na talagang nakikialam sa love life ni Ruffa ever since dahil nga ang lagi niyang sinasabi, hindi marunong ang anak niya pagdating sa pag-ibig.

“That’s the story of my life, ‘di ba? But I think with my mom now, she thinks I’m old enough siguro naman, ‘no, hindi na siya masyadong nagme-meddle. But she’s always gonna be my mom and she’s always gonna be outspoken,” Ruffa said.

Pero sinabi rin naman niyang mukhang boto naman ang ina niya kay Bistek.

“And also I think she likes and she appreciates the person that I am dating now,” ani Ruffa.

Matatandaan na nagsimula ang pagmamabutihan nina Ruffa at Bistek nang gawin nila ang seryeng “The House Arrest of Us” noong 2020 na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

AUTHOR PROFILE