Dominic

Dominic itinanggi ang tsikang panliligaw kay Kathryn

June 26, 2024 Vinia Vivar 349 views

Sinagot na ni Dominic Roque ang tanong ng marami kung nanliligaw ba siya kay Kathryn Bernardo.

Nakita ng ex-fiance ni Bea Alonzo ang isang Facebook post na may larawan nila ni Kathryn at sa caption ay nakasaad na “Dominic Roque, nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?”

Sa comment section ay sumagot ang dating aktor. Maikli lang pero malinaw na itinatanggi niya ang tsismis.

“Kapatid ko po yan. Bros,” komento ni Dom.

As we all know ay matagal nang magkaibigan sina Kath at Dom dahil magkasama sila sa isang grupo kung saan ay kabilang din ang ex-boyfriend ng akrres na si Daniel Padilla, sina Ria Atayde, Aeriel Garcia, Gabbi Garcia, Patrick Sugui, Marco Gumabao at Khalil Ramos.

Sa past interview ni Dom before his breakup with Bea, natanong sa kanya kung invited ang KathNiel sa wedding nila. Sey ng dating aktor, si Kathryn lang ang invited dahil matagal na silang may gap ni Daniel.

Anyway, hindi rin kami naniniwala na nanliligaw si Dom kay Kathryn dahil alam naming lahat na ang matinding nali-link ngayon sa aktres ay si Alden Richards at sa tingin nami’y ‘getting there’ na talaga.

Ang tsika nga ay may mutual understanding (MU) na ang KathDen at parang hindi magandang tingnan na may third party na agad sa kanilang relasyon.

AUTHOR PROFILE