Default Thumbnail

SHABU INIIPIT SA SMUGGLED NA SIGARILYO!

June 5, 2023 Marlon Purification 292 views

Marlon PurificationKAHIT saan at kahit kailan, bawal na bawal ang mga smuggled na produkto.

Lalo na kung shabu ito at iba pang uri ng ipinagbabawal na gamot.

Banner dito sa People’s Tonight ang ulat na ang shabu ngayon ay niluluto na sa bansang Indonesia.

Ang catch, ang pangunahing pinagbabagsakan nito ay Pilipinas mismo.

Pinapadaan daw ito sa mga isla natin sa Mindanao, partikular na sa Dipolog City, General Santos City at Saranggani.

Ibig sabihin, hindi lang China at Hongkong Triad ang naghaharing-uri sa atin kundi maging ang Indonesian mafia ay nasa Pilipinas na rin.

Nakaaalarma ang impormasyong ito na dapat seryosohin at pagtuunang pansin ng ating mga awtoridad, hindi lamang ang Bureau of Customs, kundi maging ang Philippine Coast Guard, Philippine Navy at siyempre mula sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa report, isang businesswoman na nakabase sa Tahuna at North Sulawesi sa Indonesia ang nasa likod ng pagpupuslit ng shabu sa Pilipinas.

Kasabwat umano nito ang ‘mobster’ diumano sa Indonesia.

Nangyayari umano ang pagpapalusot ng illegal na produkto sa Petty Port, Tinakareng, Marore Island at ipinadadaan ang barko papasok sa Pilipinas sa Saranggani Island, Dipolog City at General Santos City.

Ang ‘warehouse’ ng naturang sindikato ay nasa bayan din ng Tahuna na malapit lamang din sa dagat. Guwardiyado umano ito ng armadong kalalakihan.

Ang ginagamit na front ng sindikato para makapagpuslit ng shabu sa ‘Pinas ay ang mga pekeng sigarilyo mula sa Indonesia, gayundin ang iba pang produkto katulad ng bigas, asukal, kopra, nutmeg oil, softdrinks at kahit mga panabong na manok.

Alam kong hindi nagpapabaya ang pamahalaan para paigtingin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Lalo ngayong laman ng social media ang pagkakasangkot ng matataas na opisyal ng PNP sa narekober na 990 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P7 billion.

Ang operasyon ng Indonesian syndicate ay pinag-uusapan na rin sa kanilang bansa.

‘Pinpointed’ nga raw ang lugar sa Pilipinas na piangbabagsakan ng shabu sa Mindanao.

Dapat magkaroon ng agarang ‘bilateral talks’ sa pagitan ng ‘intel community’ ng Indonesian police at Philippine authorities.

Dapat ngayon din mismo ay bantayang maigi ang mga pantalan sa Mindanao.

Kapag galing sa bayan ng Tahuna at North Sulawesi sa Indonesia ay ‘red flag’ dapat agad dahil posibleng nakasiksik dito ang mga Indonesian made na shabu.

Take note, ate at kuya, iniipit ang mga shabu sa mga smuggled na produkto tulad ng sigarilyo at iba pa!