Rita

SEX SCENES SA ‘RITA’ HANGO SA KAMASUTRA

March 15, 2024 Jun Nardo 603 views

UNANG salang ng magaling na writer-director na si Jerry Lopez Sineneng sa Vivamax dahil sa ginawa niyang movie na Rita.

Depensa si Direk Jerry nang saglit naming matanong kung bakit, “Ricky Lee naman ito.”

Alam ni Direk Jerry ang Vivamax. Kaya naman sa maiinit na eksenang ginawa niya, talagang may sex positions na ginaya niya sa Kamasutra, huh!

Kaya naman ang mga bida niyang sina Christine Bermas, Victor Relosa at Josh Ivan Morales, namitig ang mga binti at paa tuwing matatapos ang kanilang sexy scenes dahil sa pinagawa sa kanila ni Direk Jerry, huh!

“Salamat na lang at magagaling ang mga artista ko lalo na sina Cristine at Gold (Aceron). Naku, proud ako sa ginawa ko sa Vivamax! Malay natin, baka may kasunod pa, hahaha!” bulalas ni Direk Jerry sa mediacon ng Rita na streaming na sa March 22 sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE