Anne

Celebs umalma sa viral Chocolate Hills resort

March 15, 2024 Vinia Vivar 95 views

Isa si Anne Curtis sa mga nagpakita ng pagkadismaya sa pagkakaroon ng resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Usap-usapan nga ngayon ang Captains Peak Garden and Resort na nakatayo sa vicinity ng Chocolate Hills matapos ipost ng isang vlogger ang video at mga larawan nito.

Marami ang naalarma at kumontra sa pagkakaroon ng nasabing resort sa isa sa mga pinakasikat na tourist spot ng bansa kabilang na ang celebrities.

Sa kanyang X account ay nagpahayag ng kanyang reaksyon si Anne tungkol dito.

“Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautful natural wonders of our country (loudly crying face emoji),” tweet ni Anne.

Isa rin sa mga nag-react si Janno Gibbs sa kanyang social media account.

Aniya, “At binabuy na ang Chocolate Hills.”

Sumagot naman si Dennis Padilla ng “grabe… ok sa governor at Mayor yan.”

Nagpakita rin ng kanilang concern sina Gardo Versoza, Gretchen Ho at Winwyn Marquez.

SUPPORTIVE BOYFIE

May madamdaming mensahe si Ruru Madrid para sa girlfriend na si Bianca Umali bilang suporta sa latest film ng aktres na Mananambal.

Sa nasabing pelikula ay nakatrabaho ni Bianca for the first time ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Ipinost ni Ruru ang poster ng movie at ipinahayag kung gaano siya ka-proud sa GF.

“Congratulations sa aking Mahal! @bianxa,” simula ni Ruru.

“Alam ko gung gaano mo ito pinaghandaan at pinagpaguran, kaya sigurado akong magtatagumpay ka at ang lahat ng bumubuo ng pelikula na ito.

“Sobrang proud ako sayo Mahal ko at hindi na ako makapaghintay na mapanood ito. Ikaw ang inspirasyon ko kaya ko din pinaghuhusayan ang lahat ng aking ginagawa,” patuloy ng bida ng Black Rider.

“Hindi man tayo magkasama sa ating mga proyekto, pero alam ko na sabay tayong aakyat at magtatagpo sa Ruruk ng Tagumpay!

“I love you so much, Mahal ko!” ang touching message ni Ruru sa GF.

A very supportive boyfriend, indeed!

AUTHOR PROFILE