Vice Ganda

Hint ni Vice ‘It’s Showtime’ papalit sa ‘Tahanang Pinakamasaya’

March 15, 2024 Jun Nardo 169 views

MALAKAS ang bulung-bulungan na ang It’s Showtime ang papalit sa dating timeslot ng Ang Tahanang Pinakamasaya na ngayon ay local fims ang madalas ilabas ng GMA.

Ayon nga sa mga nakapanood ng isang episode sa It’s Showtime, may pahaging nga si Vice Ganda ng lipat channel ang kanilang show.

Tanging ang TAPE, Inc. at mga host na naging bahagi ng Tahanang Pinakamasaya ang nakakaalam kung bakit nagpaalam na ang show sa ere.

Kung totoo ang sitsit, magiging blocktimer ba ang show o co-production with GMA-7?

AUTHOR PROFILE