Seth

Seth ayaw maikumpara kay Daniel, gusto ng sariling identity

September 1, 2022 Vinia Vivar 149 views

Daniel

Noon pa ay marami talagang nagsasabi na maraming pagkakahawig sina Daniel Padilla at Seth Fedelin partikular na nga sa porma, kilos at pananalita.

Dahil dito ay iniintriga parati si Seth na sinasadya niyang gayahin si DJ (Daniel) at siyempre, aware ang young actor na ito ang iniisyu ng mga tao sa kanya.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Seth sa YouTube channel nito ay in-adress nila ang isyung ito.

Simula ng young actor, “Happy po ako dahil naku-compliment ako nang maganda.”

Pero ‘yung iba nga raw kasi ay sinasabing ginagaya niya ang porma ni Daniel ultimo nga suot na sapatos.

“Eh, sa akin naman minsan, gusto ko na silang sagutin na ‘siya lang ba pwedeng magsuot ng ganu’n?’”

Pati nga raw ang buhok ni DJ ay ginagaya niya kaya sagot ni Seth, “Anong gusto n’yo? Gusto n’yo bang magpakalbo ako?”

Sey pa ng batang aktor, “Ako po sa lahat ng mall shows ko, iniiwasan ko po talagang kumanta ng kanta ni Kuya DJ.”

Pati raw kasi boses ni DJ ay ginagaya niya. Aniya, hindi naman iyon totoo.

“Minsan, gusto ko na po silang sagutin. Pero siyempre, ’di ba, ‘yun ang nakikita nila. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko ginagaya. ’Pag nasa loob ako ng bahay, ’pag nag-vlog ako, ‘eto ako. ‘Pag nakausap ako ng mga tao, ‘eto ako. Hindi ko ginagaya,” paliwanag pa ni Seth.

Kung titingnan nga raw mabuti ay magkaiba naman sila ni DJ.

“Actually nga, ‘pag napapanood n’yo po si Kuya DJ at tumayo siya sa harapan n’yo, napaka-manly niya po tingnan. At ako, hindi po ako ganu’n. ‘Pag tumayo po ako sa harapan n’yo, mukha po akong totoy. Pramis po ‘yan. ‘Pag nagsalita ako, ‘pag nakipagkulitan ako sa inyo, mukha akong totoy. Mukha akong lumaki lang sa kanal. ‘Yung ganu’n,” ani Seth.

Asked kung hurt ba siya sa pagkukumpara sa kanila, ani Seth, naiinis siya.

“Hindi ako nasa-sad, pero naiinis ako kasi ang dami nilang sinasabi. Kasalanan ko po ba na nakikita n’yo po ba sa akin? Siguro po, hindi ko po kasalanan,” aniya.

Bagama’t natutuwa raw siya na sinasabihan siyang may hawig siya kay Daniel, siyempre ay mas gusto pa rin niyang magkaroon ng sariling identity.

AUTHOR PROFILE