Bula

Akting ni Ayanna, lumutang sa ‘Bula’

September 1, 2022 Vinia Vivar 302 views

Lutang na lutang ang acting ni Ayanna Misola sa sexy-thriller film na Bula.

Nagkaroon ng private screening at mediacon ang nasabing pelikula at puring-puri ng entertainment press ang performance niya bilang si Meldie na may “sayad” sa pag-iisip.

Kaya naman sobrang happy ni Ayanna sa magagandang reviews na natanggap niya.

“Sobrang thankful ko po kasi ngayon, mas napapansin na po ng mga tao ‘yung acting skills ko, yes!” masayang sabi ni Ayanna.

“Sobrang grateful ko po kay Direk Bobby (Bonifacio) kasi pinilit niya talaga as in pinush niya talaga ako do’n sa set na mabigyan ko ng ano ‘yung mga character ko kasi may days na parang feel ko down na ako. ‘Yung parang ‘direk, ayoko na’ pero pinu-push niya talaga ako na gawin.

“Happy naman po ako sa nakita ko kanina na effective siya,” sey pa ng sexy actress.

Bale ba ay hindi pa nga raw siya masyadong nakapag-prepare for the movie dahil that time ay kagagaling lang niya mula sa COVID-19.

“Pagka-negative ko sa COVID, bigla kaming nag-pull out. Biglaan po talaga lahat. Tapos lahat ‘yun, pinag-usapan na lang namin ni Direk Bobby du’n sa set. As in nagtulungan po talaga kami as in sobrang dami kong nakuha kay Direk Bobby, kina Kuya Mon (Confiado). Sila po ‘yung tumulong sa akin kasi actually, ‘di ko talaga siya napaghandaan,” kwento ni Ayanna.

Isa pang kapansin-pansin sa movie ay ang chemistry ni Ayanna at ng leading man niyang si Gab Lagman.

Tinutukso tuloy sila ng press na baka nade-develop na sila.

Ayon kay Gab, masarap kausap si Ayanna at may time na inabot sila ng madaling-araw dahil sa haba ng kwentuhan nila.

Sey naman ni Ayanna, parang baby si Gab at malambing magsalita.

Samantala, mapapanood na ang Bula ngayong Sept. 2 sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE