Robin

Sen. Robin, nanguna sa pagpapa-drug test

October 6, 2022 Jun Nardo 300 views

NAGKUSANG sumailalim sa drug test si Senator Robinhood Padilla sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ayon sa report sa DZBB nitong nakaraang mga araw.

Ang pagkusa sa drug test ay panghikayat ni Sen. Padilla sa mga kapwa artista at empleyado ng pamahalaan na boluntaryong sumailalim nito.

Nabuhay ang panukalang magpa-drug test ang mga artista at workers sa movies at TV industry dahil sa pagkatimbog sa aktor na si Dominic Roco sa buy bust operation kamakailan.

Eh, may sumunod naman kayang artista o government employees sa ginawa ni Senator Robin?

WINNER

WINNER pa rin sa ratings ang ipinalit ng GMA sa Lolong na historical serye na Maria Clara at Ibarra sa same time slot.

Wala pa ring binatbat sa ratings ang katapat nitong Darna, huh!

Sa pilot telecast ng Kapuso serye last October 3, ang ratings nito ay 15.1% habang ang Darna ay 7.1% ang ratings na nakuha, ayon sa NUTAM Ratings (Nielsen Phils. TAM).

Interesting din kasi ang pagbibigay ng makabagong touch ang series na pinagsama ang Spanish era at makabagong panahon.

Ang galing kaya ng bidang si Barbie Forteza at ang direksiyon ni Zig Dulay, huh!

AUTHOR PROFILE