Kim

KimXi, perfect loveteam para sa nanay ni Xian

October 6, 2022 Vinia Vivar 266 views

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapanayam ni Kim Chiu ang nanay ni Xian Lim na si Mary Anne Lim at inilabas ng aktres sa kanyang vlog.

Kasama rin si Xian sa naturang vlog at marami silang napag-usapan kabilang ang mga bagay na hindi pa alam ng publiko tungkol sa kanyang boyfriend.

Isa na rito ang pangarap ni Mary Anne para sa anak noong bata pa ito.

“Ang dream ko sa kanya noong bata pa siya, gusto ko sa kanya maging concert pianist. Pero gusto ko rin kahit ano, basta happy siya,” sey ni Mommy Mary Anne.

“Si Mom naman sobrang supportive niya when it comes to career. Hindi naman siya rin parang, ‘Ito ‘yung kailangan mong gawin,’” sabi naman ni Xian.

“Even nu’ng sinabi ko sa kanya gusto kong maging basketball player, agad na binenta ni Mommy ‘yung bahay namin, ‘yung kotse sa US and punta kaagad kami rito in a matter of three months.

Kasi sinabi ko kay Mom gusto ko maging basketball player. Hindi nga niya tinanong kung ‘Magaling ka ba anak?’ Walang ganu’n,” dagdag ni Xi.

Ibinahagi rin ng ina ni Xian ang naging buhay nila noon sa Amerika at kung paano sila na-discriminate noong kararating lamang nila sa nasabing bansa.

Masaya namang binalikan ni Xian noong sinopresa siya ng kanyang ina ng bagong saxophone at drums.

“Sa States sobrang mahal ng musical instruments. Thousands, thousands of dollars. Sobrang laking bagay para sa akin that time kasi single mom si Mommy and ang rent ng apartment naming was 1,500 for a one-bedroom. So she had to make ends meet as a single mom to work to be able to pay for the 1,500 – and a musical instrument is about 2,000 to 3,000, and even 4,000 dollars. So maabilidad si Mom.”

Kwento ni Mary Anne, nag-drive siya ng walong oras papuntang Las Vegas para lang mabili ang sorpresang ito para kay Xian.

“Ang swerte mo kay Tita,” sambit ni Kim.

Natanong din ni Kim si Mary Anne kung ano ang reminder nito for KimXi na dapat nilang tandaan.

“Siyempre ‘yung forever kayo. That explains everything. Forever,” sagot ni Mary Anne.

“I’m happy nagkakasundo kayo. Wala kayong scandal, wala kayong third party. It’s very pure. I’m very proud. I can say perfect love team. Ganu’n ang KimXi. It transcends all generations,” she said.

AUTHOR PROFILE