Bong

Sen. Bong, feeling poging-pogi sa paligid ng beauty queens

February 15, 2022 Vinia Vivar 248 views

Puring-puri ni Sen. Bong Revilla ang tatlong former beauty queens na co-stars niya sa Agimat ng Agila 2 na sina MJ Lastimosa, Michelle Dee at ang leading lady niya na si Rabiya Mateo.

“Lahat sila magagaling. Pinakita nila ‘yung talento ng bawat isa sa bawat pag-portray nila sa kanilang characters, sa bawat role na ginawa nila. Talagang napabilib nila ako,” pahayag ni Sen. Bong sa ginanap na virtual mediacon last Monday.

Patuloy niya, “Katulad ni Miss Rabiya, bago pa lang siyang artista pero pinakita niya na natural na natural ang acting niya. Si Michelle, talagang iba ‘yung pagka-snake niya. Ang galing, ang galing.

Talagang pinabilib niya ako noon pa man sa Book 1. Si MJ, ganu’n din, ang galing umarte, natural na natural.

“Sabi ko, parang hindi mga beauty queen ito, para talagang mga artista. Talagang saludo ako sa kanilang tatlo.”

Asked kung ano ang mga nadiskubre niya kay Rabiya na kanyang leading lady, ayon sa aktor/politiko ay mukhang magiging maganda raw ang future nito sa showbiz.

“Katulad ng nakita ko kay Sanya Lopez (his original leading lady sa series) sa tingin ko, malayo ang mararating pa niya when it comes to acting. Magaling na artista,” he said.

Ikinatuwa rin niya na tulad ni Sanya ay may chemistry rin sila ni Rabiya.

“Nakita ko nandu’n ang chemistry at sana, ganu’n nga ang dating sa mga viewer natin,” sambit pa ni Sen. Bong.

Proud ang happy din ang aktor/politiko sa magagandang feedback ng kanyang weekly series at ang komento nga ng lahat, parang pelikula ang pagkakagawa nito.

“Nagpapasalamat ako sa GMA, all-out support talaga sila sa lahat ng Agimat ng Agila projects, book 1 and book 2. Salamat sa tiwala ng GMA at sana, ‘yung mga darating pa nating projects,” aniya.

Asked kung ano ang pakiramdam na napapaligiran siya ng mga beauty queen, sambit ni Sen, “Ang feeling ko, parang ang pogi-pogi ko,” sabay-tawa.

“Nakakatuwa na magagaling na artista ang kasama ko,” dagdag pa niya.

Mula sa direksyon ni Rico Gutierrez, napapanood ang Agimat ng Agila 2 every Saturday, 7:15 p.m.

AUTHOR PROFILE