Angel

Pa-wedding ring ni Neil, ibinalandra ni Angel sa IG

February 15, 2022 Vinia Vivar 278 views

Nakabili na ng wedding ring si Neil Arce para sa kanila ng misis na si Angel Locsin.

Proud itong ipinakita ng aktres sa kanyang Instagram page last Sunday, Feb. 13.

Nag-post si Angel ng mga larawan ng kanilang pre-Valentine dinner ng mister na ginanap sa kanilang bahay.

“Pre-valentine’s dinner. Sabi ko simplehan lang! May pa-wedding ring si Mr. Arce. Finally, may wedding ring na rin kami. Thank you my love @neil_arce,” ang caption ni Angel.

Makikita sa ilang larawan na suot na nga nila ang bagong wedding ring at may close-up photo rin ng mga singsing.

Natawa kami sa sagot ni Mariel Rodriguez sa comment section.

“Kami mag 12 years wala kaming wedding ring parin mars. Hehehe happy anniversary,” komento ni Mariel.

Sagot naman ni Angel, “singilin mo na si kuya @robinhoodpadilla.

Reaksyon naman ni Bea Alonzo, “Kilig Happy Valentine’s!!”

Matatandaang ikinasal sina Angel at Neil July last year via a civil ceremony at dahil wala pa ngang nabiling wedding ring si Neil, fake ring ang isinuot ni Angel habang si Neil naman ay nanghiram lang ng singsing sa kanyang anak.

AUTHOR PROFILE