Glaiza

Glaiza de Castro and David Rainey, kasal na

February 15, 2022 Eugene E. Asis 665 views

Glaiza1INIHAYAG ng TV host na si Jessica Soho noong Linggo sa kanyang programang, Kapuso Mo, Jessica Soho, ang naganap na civil wedding nina Glaiza De Castro at Irishman David Rainey sa Northern Ireland, noong October 2021.

Ayon sa aming source , matagal nang balak nina Glaiza at David na gawing una ang kasal sa Ireland kaysa sa Pilipinas. Gusto ni David na maging witness sa kasal nila ang kanyang parents, brothers and friends.

Sa second wedding ceremony, gagawin ito rito sa Pilipinas, at itinakda naman ito sa 2023. Magiging guest naman ni Glaiza ang kanyang parents, siblings at close friends. Parehong Christian sina Glaiza at David, kaya isang pastor ang magkakasal sa kanila.

Dream nina Glaiza at David na sa second wedding nila, na gawin ito sa beach. Unang nagkita at nagkilala ang dalawa sa Siargao noong 2018. Kasama ni Glaiza noon ang friends niyang taga-showbiz, tkabilang si Angelica Panganiban

Kuwento pa ng source, love at first sight si David kay Glaiza. Sinundan agad ng binata ang actress sa Manila at sa Galura resthouce sa Baler, Aurora.

Taong 2018,nagsimula ang relasyon ng dalawa. Matagal din bago nagkaroon ng boyfriend si Glaiza,. Sa isang interview namin sa actress, magkaka-BF lang siyang muli kung sure na siya sa suitor niya at lahat andoon ang katangiang hanap niya, at pakakasal ansiya. Ayaw niya ng papalit-palit ng boyfriend.

Nagpundar na rin ng property si David sa Baler para maging love nest nilang mag- asawa. May itinayo na ring Galura Coffee shop si David sa Baler. Business ng family niya sa Ireland ang coffee shop. Dinala niya sa bansa ang sikreto ng coffee brewing niya. At ipagpapatuloy din niya pagiging surfing instructor sa Baler.

Samantala, katatapos lang ni Glaiza ng last lock-in taping ng False Positive soap niya at bagong Kapuso actor Xian Lim. Malapit na itong mapanood sa GMA Evening Primetime soap. —Noel Asinas

AUTHOR PROFILE