Crime

Sekyu pinatay; suspek naglakad sa pagtakas

February 24, 2024 Gil Aman 101 views

PATAY ang security guard ng barilin ng isa sa dalawang lalaki na lumakad lang ng tumakas sa ginagawang Asiaville subdivision sa Brgy. Masaya, Bay, Laguna noong Biyernes.

Ayon kay P/Major Vanessa Boncodin, Bay chief of police, natagpuang nakahandusay ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Naganap ang pamamaril dakong alas-10:15 ng umaga, ayon sa mga pulis.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasaksihan ng isang nagngangalang Antonio Tibi ang pamamaril.

Sinasabi ng saksi na lumapit ang mga suspek sa biktima at walang babalang pinaputukan ng ilang beses sa katawan.

Matapos ang pamamaril, naglakad lamang sa masukal na bahagi ng ginagawang subdibisyon ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE