Batangas

BOI inimbitahan sa Batangas business summit

February 24, 2024 Jojo C. Magsombol 85 views

PINANGUNAHAN nina Batangas Provincial Administrator Wilfredo Racelis (may bilog) at Provincial Planning and Development Office (PPDO) Officer-In-Charge, Marisa Mendoza noong Peb. 21 ang pag-imbita sa Board of Investments (BOI) na makilahok ang BOI sa gaganaping Economic Business Summit.

Inaasahan sa summit na mas mapapalakas at mapapalawig ang mga
oportunidad sa pamumuhunan sa Batangas at makaakit ng mas marami pang investors at mapataas ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mga “investment-friendly” na lugar.

Hinikayat naman ng BOI ang probinsya na maghanda ng isang “value proposition” at lumikha ng sariling “pitch deck” na nagpapakita ng mga natatanging katangian ng Batangas.

Nakadaupang-palad ng mga taga-Kapitolyo sina BOI Director Maria Rosario Dominguez ng Domestic Investments Promotion Service at Director Ernesto Delos Reyes, Jr. ng Investment Assistance Service.

AUTHOR PROFILE