Sarah

Sarah tinakam ang followers sa ibinalandrang alindog

March 11, 2024 Jun Nardo 97 views

PINATAKAM ni Sarah Lahbati ang milyun-milyon niyang followers sa Instagram nang ibalandra ang katawan sa two-piece bikini niyang suot habang nasa beach.

“Happy Women’s Day,” ang simpleng caption ni Sarah sa mainit na panahon.

Pinahanga ni Sarah ang followers niyang pawang positibo ang komento gaya ni @holicelauren na ang sabi ay, “I love how you mustered courage and kept going even in those trying times. Keep radiating beauty.”

Alam naman ng marami na tapos na ang kabanata sa buhay ni Sarah kasama si Richard Gutierrez kaya malaya na siya sa gusto niyang gawin, huh!

UNEXPECTED

PINANGUNAHAN ng GMA Network Chairman Atty. Felipe Gozon ang Kapuso personalities na naging parte ng 18th Walk of Fame sa Eastwood City.

Hindi inaasahan ni Atty. Gozon na mabibigyan siya ng recognition sa Walk of Fame dahil aniya, “’Di naman ako artista so I am very, very proud and privileged to have a star on the Walk of Fame.”

Kabilang din sa Kapuso stars sa Walk of fame this year sina Michelle Marquez-Dee, Sanya Lopez, Richard Yap, Johnny Manahan, Lhar Santiago at Joel Reyes Zobel ng DZBB.

Sinimulan ng pumanaw na si German Moreno ang Eastwood City Walk of Fame na ipinagpatuloy this year ng mag-partner na sina Harlene Bautista at Federico Moreno upang bigyang-halaga ang mga personalidad sa iba’t ibang industriya na may contribution sa lipunan.

AUTHOR PROFILE