Gwen

Anak ni Jaclyn na si Gwen Guck biglang napansin

March 11, 2024 Eugene E. Asis 235 views

Gwen1DAHIL sa pagkamatay ng award winning actress na si Jaclyn Jose, nagkaroon ng kamalayan ang publiko sa kaisa-isang anak na lalaki nito, si Gwen Garimond Ilagan Guck.

Nang mamatay ang ina, kasalukuyang nasa Amerika si Gwen at nag-aaral.

Isang araw bago ihatid sa huling hantungan (columbary) ang mga abo ni Jaclyn, dumating sa bansa ang binata. Hindi man nito nasilayan ang pisikal na anyo ng namayapang ina, nakahabol ito sa huling sandali o inurnment.

Si Gwen ay anak ni Jaclyn sa band member na si Kenneth Ilagan, isang gitarista noong ’90s sa mga bandang The Dawn, True Faith, Violent Playground at Xaga na naging Rivermaya kalaunan.

Habang lumalaki, nagiging looker si Gwen kaya naman kapag nakakasama ito ni Jaclyn sa mga lakaran, marami na ang nakapansin.

Mag-isang pinalaki ni Jaclyn ang anak. Nag-aral si Gwen sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Noon pa ay may nago-offer na sa kanya bilang artista pero priority niya ang pag-aaral.

Gayunman, hindi ito pinipigilan ni Jaclyn. Katunayan, madalas niya itong isama sa mga shooting, o iba pang may kinalaman sa kanyang trabaho. Kaya naman malawak ang kaalaman ni Gwen sa galaw sa showbiz. Ayon kay Jaclyn, mukhang sa technical side nahihilig ang anak, tulad sa film editing o sa musical scoring.

Tulad ng amang si Kenneth, malalim din ang pagkahilig ni Gwen sa musika.

Katunayan, siya ang bassist ng grupong Suspiria na nakapag-release na ng album na may titulong

‘The Algebraic Sum of Not Being A Rotisserie Chicken’ sa ilalim ng Offshore Music Philippines.

AUTHOR PROFILE