Michael V

Michael V wala nang balak iwanan ang Kapuso network

March 12, 2024 Aster Amoyo 136 views

FIFTY-four-year-old singer-songwriter, comedian and creative director of the country’s top-rating and longest-running gag show on GMA, “Bubble Gang,” Michael V. has just renewed his contract with his mother studio of 28 years last Monday, March 8.

Michael V. who is Beethoven del Valle Bunagan in real life expressed that he will remain a Kapuso in his remaining years in the entertainment business.

Michael V. started his showbiz career when he joined a rap singing contest segment on “Eat Bulaga” with a partner for a soap brand. At that time, Boss Orly (Ilacad), big boss of OctoArts International and OctoArts Films and I were watching the noontime show while we were having lunch at the company’s canteen. Boss Orly took interest on Michael V. and ask me to contact him and asked him to visit his office.

Kasikatan noon ng rap song na “Humanap Ka ng Panget” ni Andrew E. under Viva at naghahanap din noon ang OctoArts ng ibang rap artist na puwedeng itapat sa kanya. Dito pumasok si Michael V. at ang rap hit song niyang “Maganda ang Piliin” na siyang naging kagutan sa “Humanap Ka ng Panget” ni Andrew E. Nagtuluy-tuloy ang pagsikat ni Michael V. bilang rapper at siya rin ang nag-recommend sa OctoArts big boss sa kanyang naka-partner sa rap contest sa “Eat Bulaga” na si Dyan Villavincencio na nakilala as Lady Diane, First Lady of Rap dahil sa kanyang mga pinasikat na rap songs tulad ng “Sa-Saddam,” “Si Mario sa Amerika” at iba pa. sumunod naman na dumating sa bakuran ng OctoArts ay ang yumaong tinaguriang King of Rap na si Francis M (Magalona) na siya namang nagpasikat ng “Mga Kababayan Ko,” “Cold Summer Nights,” “Mga Praning,” “Kaleidoscope World” among many others. Hindi nagtagal ay naging recording artist din ng OctoArts si Ogie Alcasid whose first hit song ay ang awiting “Pagkakataon” na kinompos ng dati ring singer-composer ng OctoArts na si Aaron Paul del Rosario who is now based in the US.

Since magkakasama sa iisang bubong sina Michael V., Ogie at Francis, may ilang beses ding nagsama ang tatlo sa pelikula under OctoArts Films. Sa OctoArts din nabuo ang pagiging close na magkakaiban ng tatlo.

Nang mabuo ang gag show na “Tropang Trumpo” ng old ABC-5 (now TV5), kinuha sa OctoArts sina Ogie at Michael V. Nang magsimulang pumalo sa ratings ang programa ay nagka-interes kina Ogie at Michael V. ang GMA na ang entertainment head pa noon ay si Wilma Galvante. Sina Boss Orly at Wilma ang magkausap at kasunod na rito ang pag-alis ng dalawa sa TV5 para kanilang simulan ang kanilang bagong show sa GMA, ang “Bubble Gang” now on its 28th year. Sina Ogie at Michael V. ang poste ng “Bubble Gang” with the latter as the creative director.

Nagsimula ang “Bubble Gang” sa GMA on October 20, 1995 na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag sa ere. Ogie left the show to move to TV5 then to ABS-CBN pero nagkaroon man ng mga pagbabago sa pag-alis sa programa ni Ogie, napanatili ng programa sa pagiging consistent top rater dahil sa mga bagong karagdagang cast, segments and characters na ipinasok sa programa.

The program “Bubble Gang” is very much identified kay Michael V. who is the brains of the show. The show comes next to “Eat Bulaga” na tumagal sa ere ng 44 years.

Sa muling paglagda ng bagong kontrata sa GMA ay indikasyon na matagal pang mananatili si Michael V. bilang Kapuso.

Apat na director na rin ang naging bahagi ng “Bubble Gang” na sinimulan kay Rosauro `Uro’ de la Cruz na sinundan ng yumaong si Bert de Leon. Pumasok naman sa programa si Frasco Mortiz in 2021 at si Mark David nung 2023.

Female personality walang ginawa kundi manira ng kapwa

PINALIIT ng female personality na ito ang kanyang mundo by maligning people laluna ang mga taong malalapit sa kanya.

Punumpuno ng hatred, inggit at insecurity ang puso ng kilalang female personality ito na wala nang ginawa kundi ang siraan ang mga taong close sa kanya.

Palibhasa’y wala nang ibang pinagkakaabalan ang female personality na ito, she has all the time na magtahi-tahi ng kuwento para siraan ang ibang tao. Dahil sa pagiging negatibo ng female personality na ito ay marami na tuloy ang umiiwas sa kanya na para bang may sakit itong nakakahawa.

“Nakakatakot siyang maging kaibigan,” pahayag ng isang kakilala niya na patuloy na bina-back stab ng female personality na ito.

Kahit mga taong walang kinalaman sa kanya ay sinisiraan niya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo

AUTHOR PROFILE