Sarah6 Larawan: Sarah Lahbati, Casa Selma, and Vito Selma/IG

Sarah, certified hot momma

March 8, 2024 People's Tonight 96 views

“SWEETY,” ‘yan ang sey ng netizens matapos mapansin ang maaliwalas na alindog ng sexy mom actress na si Sarah Lahbati.

Sa kanyang Instagram post, Marso 7, in-upload ni Sarah ang ilang behind the scenes ng kanyang daring photoshoot sa isang hindi furniture brand.

“Beach dreamin’ but make it casa selma,” caption ng aktres kalakip ang nakakauhaw na mga pose. Nariyan nga’t nakahiga sa sofa ang “Seduction” star suot lamang ang isang skin tone one piece swimwear.

Kapansin-pansin ang hotness ni Sarah sa shoot dahil hulmang-hulma ang pamatay na kurba nito. Buko pa sa maliit na bewang, talaga namang pinatunayan ng aktres na siya ay hindi lang “Queen of Gastos” but a “Certified hot momma.” Kita rin kasi ang malaking cocomelon ni Sarah habang nakahiga ito at ang kanyang bold at fierce look.

“Namimiss ka na ng karagatan,” pabirong komento ng isang user. “Magkano ang isang upuan?” dagdag pa ng isa.

Banat naman ng isang taga-hanga ni Sarah na, “Momshie deserve mo maging masaya. Enjoy mo lang momshie.”

AUTHOR PROFILE