Pokwang Larawan: Pokwang/IG

Peg ni Pokwang: Beach ready beauty

March 8, 2024 People's Tonight 99 views

NASA ibang level na ng kaseksihan at awrahan ang atake ng aktres na si Pokwang, matapos mag-upload ng larawan sa Instagram.

“It’s THAT season again! So it’s time for you to be that Beach Ready Beauty everyone will turn heads for!” caption ni Pokwang sa kanyang IG post, Marso 6, 2024.

Sa unang larawan, nariyan nga’t nag-ala reyna si Pokwang sa kanyang one shoulder dress na bagay sa kanyang morenang kutis. Swak na swak din ang kanyang make-up at fierce look sa kanyang pose.

Sa iba pang portrait, bida naman ang “hot na hot” pose at look ng “Call Center Girl” star dahil kita ang kurba at walang kupas na kagandahan nito.

Maging ang ilang celebrity ay aprub na aprub ang “hotness overload ni mamang Pokwang.”

“Masyado ginalingan mommy!” “Hotness ang marse namin!” “Mamang is on fire,” at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE