Beauty Larawan mula sa IG/Beauty Gonzalez

‘Pisngi’ ng wetpu palaban

March 9, 2024 People's Tonight 107 views

TILA mahiyain man ang naging facial expression ng aktres na si Beauty Gonzalez, petmalu naman kung ibandera nito ang kanyang wetpaks.

Sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, Marso 7, ibinandera ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ actress ang kanyang flawless body.

Suot ni Beauty ang one-piece swimsuit habang todo-ngiti sa kanyang tila nahihiyang pose.

Malakas pa rin ang dating ni Beauty sa mga anak ni Adan. Hindi pa rin nawala ang kanilang pantasya sa aktres kahit na may sarili na itong pamilya.

Samantala, matatandaang inamin noon ng aktres sa isa ring IG post suot din ang isang very revealing swimwear, na para sa katulad niyang probinsyana ay medyo nakakatakot magsuot ng revealing na disenyo ng swimwear.

“These modern swimwear designs are sometimes a bit scary for a provincial girl like me, but with a little encouragement I guess I’m happy to try it once,” sey ni Beauty.

AUTHOR PROFILE