Janella Larawan: Janella Salvador/IG

Janella ‘ala-Ariana Grande’ sa new look

March 8, 2024 People's Tonight 101 views

UMAAPAW ngayon ang kagandahan ng singer-actress na si Janella Salvador, matapos mag-upload ng bagong larawan sa Instagram.

“Okay, Ariana Salvador or Janella Grande?” komento ng isang user sa IG post ni Janella, dahil sobrang ganda ng aktres ay medyo kahawig na nito ang international singer na si Ariana Grande.

“Your business is yours, and mine is mine,” caption naman ni Janella kalakip ang larawan nito na nakasuot siya ng maikling skirt at long sleeves white crop top.

“Teh, kalmahan mo naman sobrang ganda mo na,” pakiusap naman ng isang user matapos mapansin ang pamatay bewang ng aktres at kanyang overall concert look.

Bumuhos naman ng pagmamahal at fire emoticon ang nasabing post ng “Darna” star. “My forever girl crush,” komento ng isang barako.

AUTHOR PROFILE