Sara

SARA PROBE PRESSED

February 1, 2024 People's Journal 123 views

HOUSE Deputy Minority ACT Teachers Party-list Representative France Castro today called on the House leadership to probe VP Sara Duterte’s alleged involvement in the drug killings as stated by whistleblower Arturo Lascañas.

“It is no wonder that VP Duterte’s position is not to cooperate with the International Criminal Court (ICC) because it would seem that she herself is involved in the drug killings and not just her father,” the teacher-solon said.

“No one is above the law. Libu- libo ang pinatay sa drug on war ng tatay ni VP Duterte na hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ang katarungan. Paano na sila?” she added.

“Kaya din ba ayaw makipagtulungan ni VP Duterte sa ICC ay dahil ma-uungkat ang pagkakasangkot nya sa mga EJKs tulad ng sinabi ni Arturo Lascanas sa kanyang affidavit na isinumite sa ICC?

“Mas lalong hindi katanggap-tanggap noong malaman natin na ginamit ang pera galing sa mga Pilipino para sa pagpatay sa mga Pilipino. Sinabi mismo ni dating Pangulong Duterte sa programa ng SMNI noong Oktubre 2023 “ang intelligence fund, binili ko. Pinapatay ko lahat, kaya gano’n ang Davao.” Dagdag pa niya, “yong mga kasama ninyo, pinagtitigok ko talaga. ‘Yon ang totoo,” she said.

“Kaya marapat na bumalik na ang Pilipinas sa ICC at mabuti na inaaral na ang administrasyong Marcos ang muling maging kasapi nito. Dapat din na imbestigahan na ito ng Kongreso dahil mukhang ang pondo na inilaan sa mga opisina ng mga Duterte noon ang ginamit sa pagpatay.

“Justice delayed is justice denied. Huwag nang ipagkait ang hustisyang ilang taon nang isinisigaw ng taong-bayan.

“Kung kaya pinapanawagan ng Koalisyong Makabayan, kasama ang taong-bayan, na makipag-cooperate ang gobyerno ng Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC tungkol sa alegasyon ng crime against humanity committed in the Duterte administration’s bloody war on drugs,” the solon said.

The following is VP Duterte’s statement:

“Mga kababayan, Assalamualaikum.

Ayon sa isang nagpakilalang testigo, may kinalaman umano ako sa Oplan Tokhang, sa Davao Death Squad, at sa mga insidente ng pagpatay o extrajudicial killings sa Davao.

Bago ang script na ito.

Sa mga taon na nagsilbi ako bilang Vice Mayor at Mayor ng Davao City, ni minsan ay hindi naugnay ang aking pangalan sa isyung ito.

Bigla na lang nagkaroon ng testigo laban sa akin nang mahalal ako na Vice President. At kabilang na nga ako ngayon sa mga akusado sa International Criminal Court.

Maliban sa tiyempo, malinaw na sadyang pinilit lang na maidugtong ang pangalan ko sa isyung ito para ako maging akusado sa ICC.

Ang pagpupumilit ng ICC na pakialaman ang ating hudikatora ay panghihimasok sa ating soberanya. Paglapastangan ito sa dignidad ng mga Pilipino at sa karangalan ng Pilipinas.

Wala na itong debate, sa testigo at mga tao na nakapalikod sa kanya magfile kayo ng kasong murder laban sa akin dito sa Pilipinas.”

AUTHOR PROFILE