Sandara

Sandara, wala nang ‘good kid’ complex

October 12, 2022 Vinia Vivar 314 views

Sa edad niyang 37 ay hindi pa pala nakakaranas si Sandara Park ng long-term relationship. Ito ang ini-reveal niya nang mag-guest siya sa Korean variety show na Problem Child in House recently.

Ang dahilan ay mahigpit ngang ipinagbabawal ito ng kanyang dating management agency.

“I had a ‘good kid’ complex, so if they said ‘no dating’ then I didn’t do it,” she said.

“Even if men came to see me (at my dorm), I’d turn them away saying I’d get in trouble. I’d say, ‘I think there are paparazzi in front of my house’ but they all said that no one was paying attention to me. After that, I’ve dated face-to-face but no one believes me,” paliwanag pa niya.

Nagkaroon naman daw siya ng relationship dahil later on ay pumayag na rin ang kanyang management. Pero ang maganda kay Sandara, hindi siya na-involve talaga sa dating scandal na isa rin talaga sa iniiwasan ng mga artista sa South Korea.

“Well, it’s because I always break up before our photos are ever taken. I break up before any rumors start to spread. That’s why. I’ve never dated anyone for that long,” paliwanag pa ng dating member ng South Korean girl group na 2NE1.

Pero ngayon daw ay ready na siya for a long-term relationship dahil nga 37 na rin naman siya.

“Now, I want a long-term relationship. I’ve moved out on my own, my situation’s better, and I’ve become more mature,” sey ng dalaga na minsan ding sumikat dito sa Pilipinas.

FIRST TEAM-UP

Excited na ang fans sa pinakaunang pagtatambal nina Kelvin Miranda at Kate Valdez sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Curious na rin ang ilang Kapuso viewers dahil not just one, but two ang gagampanang role ni Kate.

Ang tanong nila ngayon, sino ang makakatuluyan ni Kelvin?

Hindi rin maikaila ng ilang Facebook netizens na bagay na bagay ang dalawa, “Bagay sila. Parehas maganda ang mga mata, very expressive.”

Dahil isang drama-sci-fi series ang Unica Hija, hindi lamang iikot ang istorya sa pagdaraanan ng pamilya.

Tiyak na marami pang twist ang dapat na abangan ng Kapuso viewers.

Makakasama rin nina Kelvin at Kate sa serye sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo, Maricar de Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla at Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.

Mapapanood ang Unica Hija soon sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE