Hipon

Hipon Girl, bida na sa Kapuso series

October 12, 2022 Jun Nardo 369 views

BONGGA si Hipon Girl o Herlene Budol.

Sigurado nang magbibida si Hipon Girl, first runner-up sa Binibining Pilipinas pageant sa isang GMA afternoon series na titled Magandang Dilag.

Inilabas na ang cast na makakasama ni Herlene sa una niyang series sa Kapuso Network.

Leading man niya sina Benjamin Alves at Rob Gomez. Kontrabida naman sa series ang kaibigan ni Hipon Girl na si Maxine Medina.

Ang bongga, may special participation si Christopher de Leon at kasama rin sa cast ang asawa niyang si Sandy Andolo pati na sina Bianca Manalo, Adrian Alandy, Chanda Romero at iba pa mula sa direksiyon ni Jorron Monroy.

Lead actress na ang level ni Herlene matapos makilala sa Wowowin ni Willie Revillame, huh!

Thanks to her manager Wilbert Tolentino na talaga namang nagtiwala sa kakayahan ni Hipon Girl, huh!

BEAUTY QUEEN, INARESTO SA KASONG ESTAFA?

NARINIG namin sa report sa DZBB last Tuesday ang pagkaaresto sa isang beauty queen sa isang lugar sa Norte dahil sa kasong estafa.

Eh, nang dobol check namin sa Twitter ng radio ang balita, hindi na namin ito makita.

Wala rin kaming nababasang follow-up report sa social media kaugnay nito.

Beauty titlist siya at may napangasawang kilala at matalinong elected official. Pero hiwalay na sila.

Narinig na namin sa isang kaibigan na nasa US na ngayon na nabiktima rin siya ng beauty queen kaugnay sa isyu ng pera.

Minabuti naming huwag nang banggitin pa ang name niya lalo na’t nasa korte na ang kaso niya.

AUTHOR PROFILE