Sam

Sam: Cat is ‘The One’

October 31, 2022 Ian F. Fariñas 489 views

SIGURADO na si Sam Milby na ang girlfriend na si 2018 Miss Universe Catriona Gray na ang kanyang “The One.”

Sa pormal na pagpapakilala sa aktor bilang pinakabagong Beautederm ambassador, pinagdiinan niya na masaya sila’t in love ni Catriona.

Nang tanungin kung kailan sila magpapakasal, sinabi ni Sam na masu-surprise na lang ang lahat dahil hindi na rin naman daw siya bumabata.

“Siyempre, hintayin n’yo lang na masu-surprise rin kayo. Obvousuly, I can’t… it’s kinda weird to, kung sasabihin ko ang plan, it woouldn’t be a surprise. Ayaw ko ng ganu’n. But, basta abangan n’yo po. I’m not getting any younger also. I’m turning 39 next year so, yeah.

“Before, nu’ng may nagtatanong sa akin, ‘ano ‘yung ideal age mo para magpakasal?’ I’d always say 35. Eh, 38 na ako ngayon. So, I mean, life changes and for me, when it comes to marriage and taking the next step… I’m not saying this about kami ni Cat, we’re happy and in love, but I think some people, nape-pressure dahil sa edad. And I don’t think you should be. I know it’s kinda wrong to say this as a guy, I know it’s harder for some women that wanna have a family also, but I think that if you don’t feel that it’s right, I don’t think you still should push because habambuhay na ‘yan, eh, ‘di ba? Parang ‘are you gonna be happy with this person or are you just pressured because tumatanda ka na, you wanna have a family?’ You’re never gonna find a perfect person, obviously, but I think you just don’t feel that pressure. Going back du’n sa amin ni Cat, sorry, it’s… am I digging myself a hole with the way I’m answering this? Hahaha! So, let’s remove that part.

Kami ni Cat, we’re happy… abangan n’yo lang,” mahabang sey ni Sam, na sa Australia magki-Christmas kasama si Cat.

Samantala, patuloy ang adbokasiya ng Beautéderm Corporation sa pagpapalaganap ng excellent health at premium wellness sa bagong set ng health essential products na iniendorso nga ni Sam.

Ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets ang bagong line ng Reiko at Kenzen at kinabibilangan ng tatlong bagong produkto na developed at manufactured sa Japan: Ang Reiko ShiroSan, dietary supplement na may marine collagen para sa rejuvenation ng joints at iba pang bodily organs, peptides at non-acidic Vitamin C; Kenzen YasaiDes, dietary superfood supplement na may Vitamin E at tomato extract pampalakas ng immune system; at Kenzen MizuPlus, dietary supplement na may Green Tea extract at magnesium para mag-normalize ang high blood pressure at ma-prevent ang heart disease at type 2 diabetes.

Sinalubong ng Beautéderm president and CEO na si Rhea Anicoche-Tan si Sam with open arms dahil para sa kanya, ang actor ang best choice para sa Beautéderm Health Boosters.

AUTHOR PROFILE