Suspek Kinakausap ni PLt. Col. Nelson Cortez ang naarestong suspek matapos na sumalisi ito sa loob ng Ospital ng Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

Salisi Gang nagnenok sa Ospital ng Maynila, huli

March 20, 2024 Jonjon Reyes 110 views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station 9 ang isang 18-anyos na lalaki matapos sumalisi sa Ospital sa Maynila , kung saan ang mga binibiktima nito ay mga pasyente at mga doctor, Martes ng umaga.

Kinilala ni PLt. Col. Nelson Cortez, hepe ng MPD Malate PS 9, ang 18-anyos na suspek na tubong San Jose Occidental Mindoro at residente ng Tondo, Manila.

Sa ulat ng mga pulisya, umatake ang suspek at kanyang mga kasabwat sa loob ng Surgery Ward sa Ospital ng Maynila Medical Center sa Mabini St., Malate.

Napag-alaman na napansin ng doctor na may kinuhang gamit na nakapatong sa mesa ang suspek.

Nagsisigaw ang biktimang si Dr.John Carlo 27, kung kaya’t tumakbo palabas ng ospital ng suspek.

Naharang ng security guard ng pagamutan na si SG Victor Artajo ang suspek.

Gayunman, ang tinangay na gamit ng doctor ay hindi na naibalik ng suspek at pinaniniwalaang naipasa niya ito sa kanyang kasabwat.

Positibo naming kinilala ng doctor ang suspek na siyang tumangay sa kanyang gamit habang patuloy pang inaalam at pinaghahanap ng mga operatiba ang kasabwat nito.

Mahigpit ang paalala ng pamunuan ng Manila Police District matapos atasan sila ni MPD Director P/Brig General Arnold Thomas Ibay sa mga pasyente at mga kawani ng mga ospital sa Maynila na maging mapagmatiyag sa mga nasa paligid at maging alerto upang hindi mabiktima ng mga kawatan.

AUTHOR PROFILE