Crime

Lalaki dinedo ng RIT habang pauwi sa QC

March 20, 2024 Melnie Ragasa-limena 88 views

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad papunta sa kaniyang tirahan sa Quezon City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa Nova District Hospital ang biktimang si Paolo Unabia, 47 residente ng No.581 Wings compound, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City dahil sa mga tama ang bala ng baril sa likuran at tiyan.

Nasa kustodiya naman ang pulisya ang suspek na si Alexander Galgana ,32 alyas Antong ng No. 625 Biglang Awa Brgy Bagbag Novaliches, Quezon City habang pinaghahanap pa ang mga kasabwat nito na sakay ng Mio I 125 motorcycles na may plakang 825NXJ.

Sa report ng Quezon City Police District -Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang pamamaril dakong ala 1:25 ng madaling araw sa eskinita ng No. 625 Biglang Awa compound, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay PSSg George Caculba ng QCPD-CIDU, nakita sa CCTV ng barangay na naglalakad si Galgana habang hawak ang kanyang cellphone.

Kasunod nto, nakita rin sa CCTV na itinuro ni Galgana sa riding in tandem ang nakatayong si Unabia sa eskinita. Dito na pinaputukan ng riding in tandem ng malapitan ang biktima.

Nakuha naman ng SOCO Team ng QCPD Forensic Unit ang anim na basyo ng bala ng baril.