Sunog Inaapula ng mga bumbero ang sunog na lumamon sa mga kabahayan sa 11th St., Brgy. Damayan Lagi, New Manila, Quezon City.

3 sugatan sa sunog sa QC

March 19, 2024 Melnie Ragasa-limena 93 views

TATLO ang sugatan sa sunog na tumama sa isang residential area sa Barangay Damayang Lagi, Quezon City Martes ng umaga.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region ang Task Force Alpha alas-11:38 ng umaga, isang oras matapos magsimula ang sunog pasado alas-10 ng umaga.

Dalawa sa mga nasugatan ay nagtamo ng sugat sa kaliwang paa habang ang isa naman ay may sugat sa kamay..

Umabot sa 25 firetrucks ang rumesponde para sugpuin ang apoy

Idineklara ng BFP-NCR na kontrolado na ang sunog alas-12;22 ng tanghali at tuluyan naapula dakong 1:39 ng hapon

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-arian na natupok.