Default Thumbnail

Salceda: 2023 NEP ni PBBM may laang pinamalaking badyet sa tren

August 28, 2022 People's Tonight 321 views

ANG 2023 panukalang P5.268 trilyong ‘National Expenditure Program’ (NEP) ni Pangulong Marcos ay may laang pinakamalaking badyet sa tren — P113.99 bilyon o halos limang beses kumpara sa P23.12 bilyon lamang ngayong 2022, ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee.

Sinabi ni Salceda na sa ilalim ng panukalang 2023 NEP, na isinumite sa Kamara nitong nakaraang linggo, ‘idinedeklara ni Pangulong Marcos na balik na ang tren bilang mahalagang transportasiyon at inihudyat na niya ang pasimula sa programang “Build Better More.”

Bilang pangunahing may-adka ng ‘House Resolution’ na pormal na nagsusulong sa ‘infrastructure spending targets’ at nagbigay dito ng pangalang “Build Better More” (BBM), sabi niya hudyat din ito na sadyang itinutulak ni Pangulong Marcos ang ‘national backbone projects,’ ang pamanang mga impraestraktura sa mga rehiyon at lalawigan ni dating Pangulong Duterte na may bilang na mga 20,000.

Pinuna ni Salceda na habang ang estratehiya ni PRRD ay ilipat sa mga lalawigan ang yaman ng bansa, ang kay PBBM naman ay gawing lalong kapaki-pakinabang ang mga ito sa pamamagitan ng mabisang pag-uugnay sa kanila ng lalong pinalawak sa saklaw ng mga riles at tren.

“Tumitingkad ang imahen ni Pangulong Marcos bilang ‘Big Ticket Project President,’ kaugnay lalo na sa malalaking proyektong tren gaya ng isinasaad sa 2023 NEP kung saan P113.99 bilyon ang laang badyet para dito,” dagdag niya.

AUTHOR PROFILE