Dalaga,34, hiniwalayan ng nobyo, tumalon sa condo
ISANG 34-anyos na dalaga ang namatay matapos pinaniniwalaang tumalon mula sa condominium at bumagsak sa gilid ng lobby sa Sta.Mesa, Manila, iniulat ng pulisya.
Base sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, pasado alas 11:52 p.m. nang makarinig ng malakas na kalabog ang security guard ng condominium.
Agad tinungo ng guard ang pinagmulan ng ingay at nakita nitong nakahandusay na ang dalaga.
Agad ipinagbigay alam ng guard sa pamunuan ng condomimium ang pangyayari at inireport sa MPD- Sta. Mesa Police Station 8.
Iniutos ni PLt.Col.Dionelle Brannon sa kanyang mga tauhan na ikordon ang lugar saka inimpormahan ang SOCO at MPD-Homicide Section.
Ayon sa kaibigang babae ng biktimaay hiniwalayan ang huli ng kanyang nobyo.
Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.