Moms

Ruffa, may ‘something in common’ kina Mariel at Ciara

November 23, 2022 Jun Nardo 358 views

SINA Mariel Padilla, Ciara Sotto at Ruffa Gutierrez ang magpapasaya tuwing umaga sa AllTV morning talk show na M.O.M.S. (Mhies on a Mission).

Nagpagsama ng AllTV sina Mariel, Ciara at Ruffa sa unang station-produced morning talk show na M.O.M.S. (Mhies on a Mission) na sa November 28, Monday to Friday, 11 a.m.-12 noon, na magsisimula.

“Walang awkwardness sa pagsasama naming tatlo. Nagustuhan namin ang concept at heto na nga, non-stop daldalan kamin kada-taping, hahaha!” pahayag ni Mariel sa presscon ng show.

May something in common kasi sina Ruffa at Mariel (Senator Robin Padilla) at sina Ruffa at Ciara naman ay nagkaroon ng kaugnayan kay John Lloyd Cruz.

Sa tatlo, mas gusto ni Ciara na manatili munang single dahil aminado siyang traumatic ang huling relasyon kung saan nagkaroon siya ng isang anak na lalaki.

Pero hindi pa naman daw isinasara ng singer-actress ang kanyang puso. ‘Yun nga lang, pagdating sa kasal, “Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko tungkol sa kasal. But I am annulled.”

May mga tsismis na may bago nang inspirasyon si Ciara na “Yap” daw ang apelyido ng guy.

Pero itinanggi niya ito.

“Wala, wala pa akong karelasyon ngayon. Focused ako sa anak ko,” diin ni Ciara.

Sa tatlong hosts, tanging si Mariel ang bongga ang lovelife. Si Ruffa naman, consistent pa rin sa pagsasabing single siya kahit si Herbert Bautista pa rin ang itinutukso sa kanya.

Anyway, isa lang ang M.O.M.S. sa mga bagong show ng AllTV na handang magbigay ng quality entertainment sa mga susunod na buwan.

AUTHOR PROFILE