Clowns

Clowns Republik ni Allan K, bukas na

November 23, 2022 Jun Nardo 136 views

PINANGUNAHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ribbon cutting ng bagong bukas na Clowns Republik ng komedyanteng si Allan K last Tuesday.

Kasama ni Mayor Joy na nagbukas ng comedy bar sina Maja Salvador, Maine Mendoza at fiancée niyang si Congressman Arjo Atayde na first time nakitang magkasama in public ng mga tao.

Matapos dumanas ng maraming dagok si Allan nu’ng panahon ng pandemic — namatayan ng kapatid at nagsara ang negosyo – muli siyang bumangon upang magbigay ng kasiyahan sa mga tao.

Newly renovated, new design ang Clowns ngayon pero same location pa rin sa Sunshine Blvd., Quezon Avenue, QC kahit na nga maraming nag-offer sa kanya na sa kanilang lugar itayo ang bar.

“Mabait ang owner ng building. Hinintay talaga nila ang muling pagbubukas ng bar kahit marami ang nag-offer sa akin sa ibang lugar at wala akong gagastusin.

“Pero dito talaga ako sa dating lugar na nakasanayan na ng mga tao. God is good all the time,” pahayag ni Allan.

Nagbigay saya nu’ng opening night bukod sa regular stand-up comedians sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Boobay at marami pang ibang komedyante.

AUTHOR PROFILE